Hashtags Ako Lang Sana Lyrics


Ako Lang Sana by Hashtags

Kabubukas pa lang ng laptop ay kinikilig ka na
Di mo nga napapansin ang tsokolate kong dala
Tutok na tutok ka sa paborito mong koreanovela
Oras para sa akin ay nababalewala na

Nababaliw ka sa pakikinig ng mga k-pop na kanta
Buong kwarto mo ay puno na ng koreanong artista
Gusto mong gayahin natin ang mga romantikong eksena
Nagiging bisyo mo na ang papiggyback na karga

Ako lang sana ang nagpapakilig sa'yo
Ako lang sana ang paboritong k-drama mo
Ako lang sana ang nagsasabi ng sarang haeyo
Ako lang... oh ako lang sana ang oppa mo

Tinitiis ko ang pabago-bagong kulay ng buhok mo
Ginagawa ko ang bibimbap at kimchi na paborito
Ang kinakatakot lang lagi nitong aking puso
Baka pati pag-ibig ko ay ipagpapalit mo

Nababaliw ka sa pakikinig ng mga k-pop na kanta
Buong kwarto mo ay puno na ng koreanong artista
Gusto mong gayahin natin ang mga romantikong eksena
Nagiging bisyo mo na ang papiggyback na karga

Ako lang sana ang nagpapakilig sa'yo
Ako lang sana ang paboritong k-drama mo
Ako lang sana ang nagsasabi ng sarang haeyo
Ako lang... oh ako lang sana ang mahalin mo

Andito naman ako, sana pansinin mo
Kahit walang subtitle, maiintindihan mo
Andito naman ako, sana pansinin mo
Kahit walang subtitle, maiintindihan mo

Ako lang sana ang nagpapakilig sa'yo
Ako lang sana ang paboritong k-drama mo
Ako lang sana ang nagsasabi ng sarang haeyo
Ako lang... oh ako lang sana ang oppa mo

Ako lang sana ang nagpapakilig sa'yo
Ako lang sana ang paboritong k-drama mo
Ako lang sana ang nagsasabi ng sarang haeyo
Ako lang... oh ako lang sana ang mahalin mo

Recently Searched Lyrics

Recently Viewed Lyrics