Klarisse De Guzman Eto Na Naman Tayo Lyrics


Eto Na Naman Tayo by Klarisse De Guzman

Ayaw ko ang parating na umaga
Dahil alam ko na ika'y aalis na
Kahit anong lambing at pigil ng pagyakap ko
Tuluyan mo pa ring tatalikuran ako

Kahit alam mo na kailangan kita
Hindi ka maawa't sa paglisan sinta
Paano ba ito, ako'y gulong-gulo na
Dalangin ko na maibsan
Ang sakit na nararamdaman, sinta

Eto ka na naman
Sa pag-papaalam mo
Eto na naman ako
Sa pagluha ng mata ko
Eto ka na naman
Sa halik at yakap mo
Eto na naman ako
Sa nararamdaman ko sa'yo

Ayaw ko na ng mga tawag mo
Mas lalo akong nalulungkot
Kakaisip sa'yo
Kapag napagtatanto ko na wala ka dito
Mas bumubigat ang pakiramdam ko

Alam ko mahirap ang sitwasyong ito
Pero hanggang saan
At kailan ako magiging sa'yo
Paano ba ito ako'y gulong-gulo
Dalangin ko sana
Matapos na ang lahat ng ito

Lalalalalala Lalalalalala
Lalalalalala Lalalalalala

Eto ka na naman
Sa pagpapaalam mo
Eto na naman ako
Sa pagluha ng mata ko
Eto ka na naman
Sa halik at yakap mo
Eto na naman ako
Sa nararamdaman ko sa'yo

Pangarap ko sana
Dumating ang araw na ako lang
Ako na lang sana

Eto ka na naman
Sa pagpapaalam mo
Eto na naman ako
Sa pagluha ng mata ko
Eto ka na naman
Sa halik at yakap mo
Eto na naman ko
Sa nararamdaman ko sa'yo
Eto na naman tayo

Recently Searched Lyrics

Recently Viewed Lyrics