Laarni Lozada Huwag Ganyan Lyrics
Huwag Ganyan by Laarni Lozada
Ayaw ko nang gumapang-gapang sa may damuhan
Magkubli sa masukal na talahib
Ilang ulit man akong magbago ng balat
Ganito at ganito pa rin ako
Parang hayop kung ako'y inyong iwasan
Pagala-gala at walang maaasahan
Bakit ba mainit ang dugo
At puso'y kay lamig-lamig sa akin
Huwag niyo 'kong masdan ng ganyan
Na para bang ilag kayong lapitan
Huwag lumayo sa akin
Katulad niyo rin ako
Kung kikilalanin lang
Huwag niyo 'kong tignan ng ganyan
Dilat ngunit umiiwas ang mga mata
Huwag ganyan
Huwag niyo akong tignan ng ganyan...
Huwag niyo 'kong masdan ng ganyan
Dahil ako'y naiiba sa paningin
Huwag lumayo sa akin
Katulad niyo rin ako
Kung kikilalanin lang
Huwag niyo 'kong tignan ng ganyan
Ang puso ko'y katulad niyong nagmamahal
Huwag ganyan
Huwag niyo akong tignan ng ganyan
Huwag ganyan...
Magkubli sa masukal na talahib
Ilang ulit man akong magbago ng balat
Ganito at ganito pa rin ako
Parang hayop kung ako'y inyong iwasan
Pagala-gala at walang maaasahan
Bakit ba mainit ang dugo
At puso'y kay lamig-lamig sa akin
Huwag niyo 'kong masdan ng ganyan
Na para bang ilag kayong lapitan
Huwag lumayo sa akin
Katulad niyo rin ako
Kung kikilalanin lang
Huwag niyo 'kong tignan ng ganyan
Dilat ngunit umiiwas ang mga mata
Huwag ganyan
Huwag niyo akong tignan ng ganyan...
Huwag niyo 'kong masdan ng ganyan
Dahil ako'y naiiba sa paningin
Huwag lumayo sa akin
Katulad niyo rin ako
Kung kikilalanin lang
Huwag niyo 'kong tignan ng ganyan
Ang puso ko'y katulad niyong nagmamahal
Huwag ganyan
Huwag niyo akong tignan ng ganyan
Huwag ganyan...