Johnny Left The Group Sino Na Ba Lyrics


Sino Na Ba? by Johnny Left The Group

Umuulan, walang dahilan,
Lumulungkot, umiikot,
Mga matang malamlam.

Maari ba? Mapagbigyan?
Ang pagsisi, ang paghingi ng tawad
Sa iyo mahal ko.

Sinisisi ang sarili,
Sa nagawang pagkakamali,
Humihingi ng pagkakataong
Muling Ibalik.

Sino na ba ang iyong kapiling,
Sa mga gabing kay lamig?
Sino na ang iyo ginigising,
Sa umagang kay lambing?

Wala na ba, ibang paraan?
Na balikan, nakaraan,
Masasayang lambingan?

Sinusubok pusong marupok
Kumakatok, sumusuyo
Sa iyo giliw ko.

Sinisisi ang sarili,
Sa nagawang pagkakamali.
Humihingi ng pagkakataong,
Muling Ibalik.

Sino na ba ang iyong kapiling,
Sa mga gabing kay lamig?
Sino na ang iyo ginigising,
Sa umagang kay lambing?

Recently Searched Lyrics

Recently Viewed Lyrics