Calix Remission Lyrics


Remission by Calix

[Calix]
Bakit mas malalim tumaga ang katulad naming walang laman ang tiyan at bulsa?
Kahit pa sa dami ng iyong kayamanan, di matatapatan ang mga tulad naming nanggaling sa...

[Koro]
Hirap Pawis Dugo

[Calix]
"Struggle"
Na-insulto ako sa sinasabi mo
Kinitil na yung mga kaibigan ko
Sa pag-hanap ng paraan para hindi magutom
Wala akong pake kung nahirapan ka
Mapansin ng madla't kumita
Sa obra na walang kwenta
At walang halong utak
At sangkap na ito'y pinag hirapan mo

Puro lang putak (shit)
Walang bahid ng puso ang iyong musika (pakshit)

Sige na kayo na nga ang may pera
At may video pa sa ibang bansa
At na feature pa kung saan-saan
Pero bakit mas malalim parin tumaga
Ang katulad naming walang laman ang tiyan
At bulsa?

[Koro]

[Ce$ar Montana]
Alam niyo ba ang storya kung saan ako nag mula?
Saktong pera; Isang kahig, isang tuka
Kalagayang nakakasuka
Iniwan ng ina, binubugbog ng ama
Hindi maka-hinga, masakit talaga

Nakaka-pagtaka kung paano mo nasabi na naghirap ka na dati!

Yung baon mo palang ay suweldo na namin
Ayaw pa aminin na niloloko niyo kami
Tumutulong sa inyo, madumi!
Tumingin sa salamin!
Pambayad sa kamay ay dugo ng api
Pinag-bibilang ng pera
Hindi sanay sa giyera
Wala nang teka-teka
Hindi na kami makatimpi!

[Koro]

Recently Searched Lyrics

Recently Viewed Lyrics